Ang 𝐀𝐌𝐌𝐍𝐀𝐂 o 𝐀𝐬𝐨𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐛𝐢 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐡𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐣𝐢𝐝𝐢𝐨𝐜𝐚𝐧 ay grupo ng mga kababaihan na naghahabi ng natural fibers na mula sa Cajidiocan, Romblon. Sila ay nabuo noong 2012 at karamihan sa kanilang mga miyembro ay kabilang sa indigenous people (IP) group na tinatawag na Sibuyan Mangyang Tagabukid.
Ang Sibuyan kung saan matatagpuan ang asosasyon ay mayroong masaganang suplay ng abaka na nananatiling hindi napapakinabangan ng mabuti. Nang naitatag ang AMMNAC, naturuan silang kumuha ng hibla nito na siyang gamit sa paghahabi. Nang kalaunan, lumapit sila sa DOST-MIMAROPA sa pamamagitan ng PSTO-Romblon para sa karagdagang gamit sa paghahabi. Agaran naman silang natulungan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tatlong (3) dagdag na handlooms, warping beam, strippers, at twiners. Katulong ang RSU sa proyekto, sila ay nagbigay ng pasilidad sa grupo at ito ay inilagay sa RSU Cajidiocan Campus. Kinilala din sila ng DOST-PTRI at sa katunayan ay tinagurian silang Regional Weaving Center sa MIMAROPA. Binigyan din sila ng DOST-PTRI ng lima (5) pang handlooms at mga pagsasanay sa Advanced Handloom Weaving gamit ang Ikat Techniques noong 2016.
Ang patuloy na pagsisikap ng pinuno ng asosasyon at sa tulong ng DOST, ang proyekto ito ay naging isang matagumpay na negosyo sa industriya ng paghahabi sa Romblon. Kagaya ng kanilang layunin, matagumpay nilang napataas ang antas ng kanilang pamumuhay at kasanayan upang mag-ambag sa paghahanap-buhay. Sila ay kasalukuyang naghahabi ng mga scarf, table runner, at sash sa iba’t-iba nitong kulay.
#DOSTMIMAROPA #DOSTPSTORomblon #HatidAyMakabagongSolusyon #AMMNAC #WEcanbeEquALL #2023NWMC #NationalWomensMonth #BangonPilipinas
All of our products are FDA approved!
- 100% healthy
- 100% clean & safe
- Delicious and affordable
Location |
JP Laurel St, Odiongan, Romblon
|
Contact Number |
(042) 567 5218
|
Description |
Ang 𝐀𝐌𝐌𝐍𝐀𝐂 o 𝐀𝐬𝐨𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐛𝐢 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐡𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐣𝐢𝐝𝐢𝐨𝐜𝐚𝐧 ay grupo ng mga kababaihan na naghahabi ng natural fibers na mula sa Cajidiocan, Romblon. Sila ay nabuo noong 2012 at karamihan sa kanilang mga miyembro ay kabilang sa indigenous people (IP) group na tinatawag na Sibuyan Mangyang Tagabukid. Ang Sibuyan kung saan matatagpuan ang asosasyon ay mayroong masaganang suplay ng abaka na nananatiling hindi napapakinabangan ng mabuti. Nang naitatag ang AMMNAC, naturuan silang kumuha ng hibla nito na siyang gamit sa paghahabi. Nang kalaunan, lumapit sila sa DOST-MIMAROPA sa pamamagitan ng PSTO-Romblon para sa karagdagang gamit sa paghahabi. Agaran naman silang natulungan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tatlong (3) dagdag na handlooms, warping beam, strippers, at twiners. Katulong ang RSU sa proyekto, sila ay nagbigay ng pasilidad sa grupo at ito ay inilagay sa RSU Cajidiocan Campus. Kinilala din sila ng DOST-PTRI at sa katunayan ay tinagurian silang Regional Weaving Center sa MIMAROPA. Binigyan din sila ng DOST-PTRI ng lima (5) pang handlooms at mga pagsasanay sa Advanced Handloom Weaving gamit ang Ikat Techniques noong 2016. Ang patuloy na pagsisikap ng pinuno ng asosasyon at sa tulong ng DOST, ang proyekto ito ay naging isang matagumpay na negosyo sa industriya ng paghahabi sa Romblon. Kagaya ng kanilang layunin, matagumpay nilang napataas ang antas ng kanilang pamumuhay at kasanayan upang mag-ambag sa paghahanap-buhay. Sila ay kasalukuyang naghahabi ng mga scarf, table runner, at sash sa iba’t-iba nitong kulay. #DOSTMIMAROPA #DOSTPSTORomblon #HatidAyMakabagongSolusyon #AMMNAC #WEcanbeEquALL #2023NWMC #NationalWomensMonth
|