Nagsimula ang Tinnie’s sa paggawa ng peanut butter noong 1996 sa Odiongan, Romblon. Una pa ma’y tinangkilik na ito ng mga taga-Romblon dahil bukod sa napakalinamnam nito, ito’y gawa sa purong mani at walang halong extenders.
Sa kalaunan, naibigan ito ng mga dumarayong turista sa probinsya at naging sikat na pasalubong. Mas lalo pang nakilala ang Tinnie’s sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga trade exhibits at fairs.
Ngayon, ang Tinnie’s ay isa na sa mga best-selling peanut butter brands hindi lang sa Romblon kundi pati na rin sa Mindoro, Metro Manila, Bohol at iba pang panig ng bansa.
Sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST-MIMAROPA, sila ay nabigyan ng innovative technologies tulad ng colloid mill, filling machine, at induction sealer para mas mapaganda ang texture at uniformity ng kanilang produkto. Dahil din sa SETUP ay napabuti ang kanilang production process at natulungan silang mag-comply sa Good Manufacturing Practices (GMP) at Food Safety protocols.