Shake the pack to hear the chips. Reals Toasted Coconut Chips - you'll love them once you've tried them.
𝗞𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗮𝗹𝘀 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀!
Nagising sa tunog ng baril, granada, at sigaw ng mga kapitbahay sina Hope Joy Palermo at ang kanyang anak na si Christian sa umaga ng Agusto 18, 2008. Daan-daang Moro Islamic Liberation Front (MILF) guerillas ang umatake sa Lanao Del Norte, kasama ang kanilang bayan sa Tauswagan. Tumakas ang pamilyang Palermos patungong Iligan City para sa kanilang kaligtasan…
Ilang araw lamang ang makalipas nakipagsapalaran si Mr. Rey Palermo sa Puerto Princesa City bitbit ang 200 pakete ng banana chips upang itinda sa barko ngunit siya ay hindi pinalad dito. Naisip niya na ilako sa bayan ng Puerto Princesa City ang mga tinda niyang banana chips. Sa kaniyang surpresa, naubos ang mga ito sa loob ng isang oras. Sila ay nagsimulang magtinda ng banana crackers para mabuhay. “Doon talaga ako nahasa sa paggawa ng banana crackers. Tigmamiso pa ang benta namin sa isang balot noon.” Ani ni Hope.
Makalipas ang tatlong buwan, pinasunod ni Mr. Rey Palermo ang kaniyang buong pamilya kasama ang asawa at dalawang anak na lalake sa Puerto Princesa City dahil sa nakita nilang potensyal ng negosyo ng banana chips. Dito nagsimula ang Real’s Food Products. Named after their eldest son, they promoted their banana crackers with their slogan, “Go Healthy.” Ito ay naging patok sa mga “health conscious” na mamimili at mga tursita sa NCCC mall ng probinsya.
Sa kasamaang palad, iniutos ng FDA noong 2016 na i-pull out ang kanilang mga produkto for not having the license to operate (LTO). “Malungkot at nabahala po kami kasi malaking amount po ang nawala, pero nabigyan po kami ng pag-asa nang pinuntahan po kami ng DOST-MIMAROPA,” pahayag ni Hope.
Sila ay nag-enroll sa MPEX, na isang consultancy program ng DOST-MIMAROPA, upang maiayon ang kanilang proseso ng produksyon sa mga pamantayan ng FDA. Pagkatapos matanggap ang apruba ng FDA, sila ay muling nakabalik sa NCCC. Bukod dito, sila ay makikita na rin sa mga malalaking mall katulad ng SM at Robinsons Place. Sa ilalim ng MPEX, napagtanto din nila ang kanilang mga wastage at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang kita. Tinulungan din sila ng consultatncy sa kanilang pagprepresyo, pamamahala ng human resources, at mga alalahanin sa marketing. Nakatulong din ang DOST-MIMAROPA sa pag-desenyo ng kanilang product logo at mga labels sa ilalim ng SETUP.
𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗺𝗮𝗿𝗼𝗽𝗮𝘃𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗲𝘀.𝗽𝗵?
Ang https://mimaropaventures.ph ay isang digital marketplace na ginawa ng DOST-MIMAROPA para maipakilala ang mga lokal na produkto ng mga assisted micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa MIMAROPA sa mas maraming mamimili sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa website, i-kokonekta ka sa assisted MSMEs para ikaw na ang direktang makipag-transaksiyon sa kanila. Secure at hassle-free, ‘di ba? Kaya log-on na sa mimaropaventures.ph!
All of our products are FDA approved!
- 100% healthy
- 100% clean & safe
- Delicious and affordable
Location |
#27 Roxas Street , Bgy. Tagumpay, Puerto princesa city, Palawan, Philippines. 5300
|
Contact Number |
0998 987 7693
|
Description |
Nagising sa tunog ng baril, granada, at sigaw ng mga kapitbahay sina Hope Joy Palermo at ang kanyang anak na si Christian sa umaga ng Agusto 18, 2008. Daan-daang Moro Islamic Liberation Front (MILF) guerillas ang umatake sa Puerto Princesa City, kasama ang kanilang bayan sa Kauswagan. Tumakas ang pamilyang Palermos sa South Cotabato kung saan sila’y nagtinda ng banana crackers para mabuhay. “Doon talaga ako nahasa sa paggawa ng banana crackers. Tigmamiso pa ang benta namin sa isang balot noon.” Ani ni Hope. Makalipas ang anim na buwan, sila’y muling nakabalik sa Puerto Princesa bitbit ang 200 pakete ng banana crackers. Sa kanilang surpresa, naubos ang mga ito sa loob ng isang oras. Dito nagsimula ang Real’s Food Products. Named after their son, they promote their banana crackers with their slogan, “Go Healthy.” Ito ay naging patok sa mga “health conscious” na mamimili at mga tursita sa NCCC mall ng probinsya. Sa kasamaang palad, iniutos ng FDA noong 2016 na i-pull out ang kanilang mga produkto for not having the license to operate (LTO). “Malungkot at nabahala po kami kasi malaking amount po ang nawala, pero nabigyan po kami ng pag-asa nang pinuntahan po kami ng DOST-MIMAROPA,” pahayag ni Hope. Sila ay nag-enroll sa MPEX, na isang consultancy program ng DOST-MIMAROPA, upang maiayon ang kanilang proseso ng produksyon sa mga pamantayan ng FDA. Pagkatapos matanggap ang apruba ng FDA, sila ay muling nakabalik sa NCCC. Bukod dito, sila ay makikita na rin sa mga malalaking mall katulad ng SM at Robinsons Place. Sa ilalim ng MPEX, napagtanto din nila ang kanilang mga wastage at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang kita. Tinulungan din sila ng consultatncy sa kanilang pagprepresyo, pamamahala ng human resources, at mga alalahanin sa marketing. Nakatulong din ang DOST-MIMAROPA sa pag-desenyo ng kanilang product logo at mga labels sa ilalim ng SETUP.
|