Nagising sa tunog ng baril, granada, at sigaw ng mga kapitbahay sina Hope Joy Palermo at ang kanyang anak na si Christian sa umaga ng Agusto 18, 2008. Daan-daang Moro Islamic Liberation Front (MILF) guerillas ang umatake sa Puerto Princesa City, kasama ang kanilang bayan sa Kauswagan. Tumakas ang pamilyang Palermos sa South Cotabato kung saan sila’y nagtinda ng banana crackers para mabuhay. “Doon talaga ako nahasa sa paggawa ng banana crackers. Tigmamiso pa ang benta namin sa isang balot noon.” Ani ni Hope.
Makalipas ang anim na buwan, sila’y muling nakabalik sa Puerto Princesa bitbit ang 200 pakete ng banana crackers. Sa kanilang surpresa, naubos ang mga ito sa loob ng isang oras. Dito nagsimula ang Real’s Food Products. Named after their son, they promote their banana crackers with their slogan, “Go Healthy.” Ito ay naging patok sa mga “health conscious” na mamimili at mga tursita sa NCCC mall ng probinsya.
Sa kasamaang palad, iniutos ng FDA noong 2016 na i-pull out ang kanilang mga produkto for not having the license to operate (LTO). “Malungkot at nabahala po kami kasi malaking amount po ang nawala, pero nabigyan po kami ng pag-asa nang pinuntahan po kami ng DOST-MIMAROPA,” pahayag ni Hope.
Sila ay nag-enroll sa MPEX, na isang consultancy program ng DOST-MIMAROPA, upang maiayon ang kanilang proseso ng produksyon sa mga pamantayan ng FDA. Pagkatapos matanggap ang apruba ng FDA, sila ay muling nakabalik sa NCCC. Bukod dito, sila ay makikita na rin sa mga malalaking mall katulad ng SM at Robinsons Place. Sa ilalim ng MPEX, napagtanto din nila ang kanilang mga wastage at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang kita. Tinulungan din sila ng consultatncy sa kanilang pagprepresyo, pamamahala ng human resources, at mga alalahanin sa marketing. Nakatulong din ang DOST-MIMAROPA sa pag-desenyo ng kanilang product logo at mga labels sa ilalim ng SETUP.